Shaina and Piolo hide true relationship?

HINDI ikinakaila ni Piolo Pascual na dumating sa punto ng kanyang career na gusto na niyang mag-quit sa showbiz pero nabago ang lahat nang maipalabas ang unang team-up nila sa pelikula ni Toni Gonzaga, ang “Starting Over Again” na siyang sumira sa lahat ng box office records.

Na-feel marahil ni Piolo na kailangan pa siya ng industriya kaya isinantabi muna niya ang kanyang planong pagre-retiro sa showbiz na kung tutuusin ay napakaaga pa.

Piolo is currently preparing for his 10th album under Star Records kung saan mapapasama ang duet nila ng kanyang teen-age son na si Inigo at pinaghahandaan na rin niya ang kanyang bagong teleserye na may titulong “Abot Kamay.”

Speaking of Piolo, isang malapit sa pamilya ni Shaina Magdayao ang nagpaabot sa amin ng balita na mahigit one year na umano ang relasyon nina Piolo at Shaina na hanggang ngayon ay hindi pa rin kinukumpirma ng magkabilang parte.

Published : Thursday, April 17, 2014 00:00
Written by : Aster Amoyo

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>