Category Archives: Foundation

Piolo nearly quit in showbiz

NOW it can be told, Ian F., that Piolo Pascual considered quitting showbiz pala this year kung ’di lang pumatok sa takilya ang still showing movie niya, Starting Over Again, with Toni Gonzaga for Star Cinema.

Piolo didn’t articulate why. Basta raw, binalak niya na mamirmihan na sa Amerika, where his mom and several of his siblings live along with 15-year-old son Iñigo.

Pero gaya raw ng sabi ng talent management arm ng ABS-CBN, Star Magic, headed by Direk Johnny Manahan and Mariole Alberto, may lugar pa si Piolo sa showbiz and he should not lose hope.

Kaya, grateful raw siya, bukod kina Toni at Iza Calzado (his leading ladies), kay Direk Olive Lamasan, with whom he last worked in the movie Milan.

Nagpapasalamat din daw siya lalo na kay Malou Santos, Star Cinema managing director.

* * *

SA victory blowout for the cast, production staff and everyone involved sa Starting Over…, no wonder na present din sina Charo Santos-Concio, president at CEO ng ABS-CBN, at Gabby Lopez, chairman of the board, ABS-CBN.

Nandu’n din sina Carlo Katigbak, head of Access, at Aldrin Cerrado, head of Finance ng ABS-CBN.

As of this writing, the film, which is on its fourth week, has reportedly grossed close to P400M.

* * *

Sayang at patapos na nang dumating sa victory blowout si Cai Cortez, gumanap na isa sa close friends ni Toni sa Starting Over…, bukod kay Beauty Gonzales.

Iyon pala, na-involve si Cai sa isang puwedeng ituring na freak accident, dahil pinili niya raw na magbihis sa kotse nang malapit na siya sa ELJ Building, where the occasion was taking place.

While squeezing through her damit na isusuot, kung bakit aksidente raw niyang nasagi ang isang nakausling kung anumang matulis na bagay.

Bago niya nalaman, dumudugo na ang hintuturo sa kanyang kanang paa.

Kaya, she had to rush herself to the hospital for first-aid treatment.

Sayang, nang finally nga ay makarating si Cai sa party, pack-up na ang lahat.

Pero natanggap pa rin niya ang kanyang bonus from Ma’am Malou herself.

For those of you who don’t know, Cai is the only daughter of Rez Cortez and wife Candy.

Rez takes pride in saying na natural comedienne ang kanyang anak.

* * *

Going back to the party, present din sina Lito Pimentel, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, Bryan Santos at Ryan Yllana, who all played supporting roles sa pelikula.

 

Source: http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/68327-piolo-nearly-quit-in-showbiz

Published : Thursday, March 06, 2014 00:00 Article Views : 457
Written by : Nel Alejandrino